I missed the big concert!!! AaAuUgGhHh!!!!
Grr. I swore I'd never miss a big concert except the first one!!! Anyway, here's an entry from the Eraserheads Yahoogroups by Nielsen Oliva on what happened that night in the UP Theatre:
Ang Ultraelectromagnetic Jam Album Launch (ayon sa aking memory):
Matagal ang hinintay namin bago mag-umpisa ang concert. MGa 10 na yata nagsimula.
Namatay ang mga ilaw at pinalabas ang video ng With A Smile sa widescreen. Pagkatigil ng video, kinanta na ng South Border ang rendition nila.
Si Kitchie nakalimutan ata yung lyrics ng Ligaya kasi inulit nya yung line na "Ilang isaw pa ba ang kakainin". Iba na yung banda nya.
Namatay ang ilaw at lumabas ang mukha ni Raimund. Ginaya nila yung style ng Beatles Anthology at may kanya-kanyang input yung bawat member ng Eraserheads tungkol sa beginnings nila.
Raimund: "sabi nila sa min, HINDI KAMI GWAPO. pagkasabing-pagkasabi nun, nag-disband na kami. hindi pala music lang dito sa Pilipinas..."
Nakakatawa kasi pagkasabi ng tungkol sa pagka-GWAPO at PACKAGING, tumugtog ang Cueshe. Nagkalat ang bandang ito. Objective ako nito ha. Hindi nila alam ang lyrics ng Hard To Believe at parang nagma-mumble na lang sila ng words. Marami akong narinig na "BOOO". After ng performance nila, walang pumalakpak. As in wala.
Nagkwento si Yael ng Sponge Cola "lagi naming kinakanta yung mga kanta ng eraserheads tuwing field trip namin nung grade school pa kami". Kinanta nila yung Pare Ko. Kulang yung performance nila kasi naaalala ko pag concert ng Eraserheads, malaki yung part ng crowd sa pagkanta nito, lalo na sa part na "DI BA, T%#@ INA!!"
Tumugtog ang Isha ng Torpedo. Kumakanta na lahat ng tao nito. Namatay ulit ang mga ilaw tapos may interview kay Isha. "Ang mga kanta ng eraserheads ang soundtrack ng buhay ko nung college".
Napaka-ultraelectromagnetic ng performance ng 6 cycle mind. Tuluyang nagbago na ang tingin ko sa bandang ito. Nagwawala na ang mga tao kakakanta ng Alapaap. Nakikita na naming nagse-setup si Paolo Santos at iniisip namin kung paano nya susundan yung ganung katinding performance.
(Now this is the best part -Katie) Paolo Santos: "oo nga pala, may bago akong friend... si Marcus Adoro ng Eraserheads". Parang sabungan yung UP theater sa sigaw. Standing ovation para kay Surfernando. Kinanta ni Paolo yung Magasin. Nag-guitar solo si Marcus nung huli. Ang lupet. Napaka-lupet. Kaso ayoko na ulit tumapat sa mga speaker pag may dalawang sliding guitar. hehe
Tumugtog ang MYMP ng Huwag Mo Nang Itanong. Tumahimik lahat. Parang nagdadasal. Napaka-captivating ng boses ni Juris. Yung nga lang, nasira yung amp nila at nababoy ang guitar solo sa huli.
Nagkwento ang mga members ng eraserheads tungkol sa Overdrive. Sabi ni Raimund, "nagsimula ka sa wala nun tapos biglang dami ng pera mo. anong gagawin namin sa pera? pare bili tayo ng kotse (tawa ng tawa)... e si buddy pala, hindi pa marunong mag-drive"
Interview naman kay Barbie: "napaka-visual ng mga kanta ng eraserheads. alam mong kahit mabababaw ang lyrics nila, they are smart people." Kinanta ni Barbie yung Overdrive. Ang kyuuuuuuuuuuuuuuut.
Tumugtog ang Imago. Para akong nahi-hypnotize sa performance ni Aia. Kung iko-compare ko yung performance ng mga female vocalists, sa Imago yung pinakamagandang performance.
Right after ng Imago, kumanta si Ebe ng Sugarfree ng excerpt from "Lightyears". Ginawa nilang intro yun ng Tikman. Habang nasa instrumental, sumigaw si Ebe ng "MABUHAY ANG ERASERHEEEEEEAADSSS!!!"
Sumunod ang Radioactive Sago. May hawak si Lourd na bote ng alak at tingin ko nandun yung lyrics nya ng Alkohol. Sa galing ng performance nila, sumisigaw na yung mga tao ng "AL-KO-HOL!!!AL-KO-HOL!!!AL-KO-HOL!!!" na parang nagrarally sa EDSA.
Interview sa Orange and Lemons: "sinusundan namin ang Eraserheads dati kahit saan pa sila mag-perform...maraming salamat sa Eraserheads dahil they paved the way for bands like us. kung wala ang eraserheads, hindi nabigyan ng break ang mga alternative bands sa mainstream" (or something like that).
Last performance ang Orange & Lemons. Wala si Rico J Puno, Brownman Revival, tsaka si Francism. After ng show, wala pang tumatayo at lahat e tumitingin sa likod at nag-aabang ng surprise. Sa kasawiang palad, nagsalita na ang voice-over ng "that's all for tonight folks" at obvious na bitin na bitin lahat ng mga tao.
Overall, nice show. Parang concert na rin ng Eheads yung napuntahan ko sa tindi ng energy. Hintayin nyo baka ipalabas to sa TV kasi may mga interviews ng GMA7 tapos baka lumabas din to sa VCD or DVD. Sulit ang bayad ko. Actually hindi lang sulit. Parang may utang pa ako sa producers.
---------------
Oh my God! Markus is still alive! Yiheeee! Again. I missed the big concert. AaAuUgGhHh!!!! Nuff said. (bow.) -Katie