screw the status quo. we need change and we need it now. we need not a leader who plays with words and public funds. we need not a leader whose years of service fall under the 'fiction' category. we definitely need not a leader who knows nothing. we require a leader who has conviction, who has the guts to change the seemingly unchangeable. we need... to prepare for 2007. Now.

Monday, January 31, 2005

80s girl

I am basically an 80s girl. I am guilty of wearing long yellow socks and polka-dots miniskirts and singing Debbie Gibson songs. Those were the days Philip Landangan is talking about in this email that he sent me.

---------------------------------

Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi katatawaging jologs. Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!

Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan na makapagpapatunay if you're one of us. R U?

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang champoy)

3. Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106" hanggang maubusan ka ng hininga.

5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle,
prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

6. Pumunta ang mga taga-MILO sa skul niyo at namigay sila ng
samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit Makita na ang dalawang bundok.)Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play
safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.

8. Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP. [hahahaha!! totoo yan!!]

10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (hi-tech na yun noon) [meron ata akon niyan--yung 1000 in 1!! ]

11. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na
nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby,
Wiggle It, Pray at Can't Touch This.

14. Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

15. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image,Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!)

16. Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second generation)

17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty Kid"

18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores.

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari . ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)[meron ako nung mansion ni barbie!!]

20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.

21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Flanders a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga)

22. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"


Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko. Siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sapanahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan. Di ba?

--------------------------

Monkey-monkey Anabelle... teeheehee...

5 Comments:

Blogger Akilez said...

1986 thru 1992

These years were the turning point for the Philippine economy.
Fly-overs were booming all over Metro Manila. Sky Cable was introduced, Motorola marketed the micro-tac.

Edsa-Mandaluyong was resurrected with the Virgin Mary on the Center of Commerce.

It was said for me because I was leaving for the land of Sour Milk and Poison Honey.

12:07 PM

 
Anonymous Anonymous said...

"Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image,Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!)"

Ah! The Golden Age of Pinoy Rock. The list reminds of Bob Ong's book, "Bakit Baligtad Magbasa ang mga Pilipino." Good book, that one.

10:28 PM

 
Blogger Akilez said...

By the way, The 80's reminded me of the Identity Crisis, The Dawn, Batibot with Kuya Mario,Loren Legarda's "PEP Talk",Very informative Noli De Castro's "Magandang Gabi Bayan", The San Miguel Dry Beer, Carlsberg, San Juan voted for Erap again for Mayor, The burning of Music Museum, Club Faces, Kudos Club, RJ Bistro, Lechon Paella and the opening of the New Mega Mall Edsa.

Perhaps the famous words for the late 80s are Lahar, Scud and Shabu (yuck).

12:26 AM

 
Blogger GeeDot said...

monkey, monkey, annabelle...how does that entire thing go? correct me if i'm wrong I may be mixing two rhymes together...

monkey, monkey, annabelle
how many monkeys do you see?
4
1..2..3..4
and a rikitikitik and a blue-black sheep
i-spell yes
y..e..s...
i-spell no
n...o...
taya!!!

harharhar!

I'm a big 80s fan, too. For both OPM and NuWave bands. In fact, I collect them. Check out the DVD, Live Aid. Remember USA for Africa and Band Aid? Footages are in that DVD plus live performances from Spandau, Sting, U2, etc.

10:46 PM

 
Anonymous Anonymous said...

after ng blue black sheep, meron pang "is it true, yes or no?" tapos kung yes, "y-e-s, alis!" and kung no, "n-o, and out you go!"

well, that's what i remember anyway...

2:32 AM

 

Post a Comment

<< Home