screw the status quo. we need change and we need it now. we need not a leader who plays with words and public funds. we need not a leader whose years of service fall under the 'fiction' category. we definitely need not a leader who knows nothing. we require a leader who has conviction, who has the guts to change the seemingly unchangeable. we need... to prepare for 2007. Now.

Saturday, April 16, 2005

Kababata ba kita?



Noong ikaw ay bata pa, nagawa mo ba ang mga sumusunod?...

*kumakain ka ba ng aratilis?

*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tangkay ng walis tingting?

*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?

*marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?

*malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?

*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start?

*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?

*addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?

*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya?

*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?

*inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna... nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?

*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?

*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?

*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?

*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging?

*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?

*idol mo si McGyver at nanonood kang Perfect Strangers?

*eto malupet... six digits! lang ba ang phone number nyo dati?

*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bente singko lang ang dala?

*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?

*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?

*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?

*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?

*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?

*alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"?

*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?

*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?

*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong... di ba naninipit yun?

*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?

*meron kang kabisadong kanta ni Andrew E na alam mo hanggang ngayon.. aminin?

*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?

*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?

*kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa... at sanay ka tawagin ang porn as BOLD?

*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nila magugunaw daw ang mundo?

*naaalala mo pa na mas masarap ang mellow yellow kaysa mountain dew?

*75 cents pa ang pamasahe n'un?

If so, then you must be 25-30 years old by now. Hahaha! Love to remember the good old times. *SIGH!*

8 Comments:

Blogger Akilez said...

Well perhaps I am the first one to admit that I am older than 30.

Here's my Story:

SM Malls were just booming all over Epifanio De los Santos Ave.

Robinson Galleria Mall was a "Talahiban" (tall grasses). When Mandaluyong was not a City, and there was still traffic w/o the fly over. The 1980's was just the beginning of a new Gen X. When AIDS was introduced to the world and Micky D's tasted like a newspaper - because it took 50 years for the American Economy to invade the world again.

4 pesos against a dollar. My Step-father was the first Batch of OCWs to be recruited to work for Saudi Arabia. 1983 was turning point for the Marcos Regime. He will face the wrath of the Filipino People in 1986. And in 1986 My Father petitioned me to be an American sixty-cent but not quite.

10:04 AM

 
Blogger jonasdiego said...

"Alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start?"

Sa Gradius to. Pang-super mode. So, yes...nasa age range ako ng 25-30. ;)

3:30 PM

 
Anonymous Anonymous said...

*hindi ko alam kung ano ang aratillis

*tuwang tuwa ako pag namumulaklak ang gumamaela sa amin, ang ginagamit naming pang blow ng bubble nuon ay yung pinutol na sanga ng dahon ng papaya (dib ahollow ang loob nun?

*palagi kami nagaaway ng nanay ko nuon kasi ayaw ko matulog ng hapon, she always wins (habulin ka ba naman ng sinturon?)

*i am the unofficial champion ng langit-lupa at saksak puso.

*yung pinsan ko may family computer, i was in grad 6 that time. naguunahan kami sa pagising ng maaga para makalaro sa family computer

*up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start <== eto yung cheat code sa commando para makakuha ka ng 30 lives

*sabi nila ang USED ay may satanic na meaning, di ko maalala, yung wristwatch ko bo london ang tatak

*thundercats, bioman, daimos at voltes V ang hilig ko nuon, naalala ko pa, thundercats air during saturdays at 10:30 am, tapos they moved it to i think it was tuesdays at 4:00 pm. i used to imagine i was he-man

*i like shaider pero di ko napapansin yung panty ni annie. hmmm makahanap ng ng mga tapes ng shaider

*actually subject pa namin ang paggamit ng wordstar in college, tapos yung ginagamit namin is yung malalaking 5.25 disks pa. (i remember i asked my friend "pare may DOS ka?" he pondered for a moment, then gave me two pesos)

*aquanet, diba eto yung spraynet? sabi nil apag naubusan ka daw, gamit ka lang ng beer at itlog, i-mix mo. gamit ko nuon is mineral oil paraq i style ang buhok ko.

*i watched batibot, pero di ko iniisip yung supposed love affair ni kuya bodgie at ni ate sienna. sa totoo lang, dami konatutunan sa batibot, sama mo na din ang sesame street, i hated 90210

*my firt shoes were actually mighty kid

*hanggang ngayon buhay pa yung collection ko ng stationeries, nakatago naa sa ilalim ng baul. tapos mayroon din akong mga slumbook at autograph. eto kasi yung surefire way to get information about your crush without the risk of being teased

*mga characters sila sa batibot diba?

*space warp? hehehe eto yung ginagawa ng kalaban ni shaider ppag natatalo na siya, tapos tatawagin ni shaider yung space ship niya na nagiging malaking baril, at binabaril niya yung malaking mukha na may kanyon sa ulo

*yes! mcgyver rocks he an make something out of anything. and idol ko si balky bartokamus, perfect strangers has got to be one of the funniest shows before. too bad it got cancelled

*8-19-35 phone number ng bahay ng auntie ko kung saan ako nakikitira dati :-)

*3 bente signko, diba may kanta pa nga si dingdong avanzado nito with the same title? and kulay red pa yung mga payphone nuon

*eh kasi bata was sung by LA Lopez, aiza seguerra was funny as a kid

*every year pag start ng classes ang unang ginagaaw namin nuon is magpayabangan ng pencil case. sikat ka kung magnetic yung lock ng case mo at may mga "secret" compartment pa. the more divisions and the t bigger it is, the better.

*hindi ko na inisip kung saan ang goya fun factory, basta alam ko masarap ang goya chocolates

*yung pinsan ko collects barbie dolls, ako naman GI Joe action figures, 2 lang GI joe ko, and i lost them both in a fire (grabe iyak ko nuon)

*i carry around in my wallet yung singko na kulay bornze and korteng bulaklak, yung 10 cent na square at yung 1 centavo na coin.

*binigyan ng pari ang nanay ng singko, pambili ng blade.

*hanggang ngayon memorize ko pa ang lyrics ng humanap ka ng panget at andrew ford medina. good times.

*masarap yung tarzan at texas kaya lang madaling nauubasan ng tamis, pag wala na, para ka nang kumakain ng eraser. yung bazooka ganun din pero i like it dahil sa comics na pwede mong ipapgpalit for really cool prizes (i have a bazooka visor)

*favorite ko pa rin yung mountan dew, pero nalala ko may war talag between them

*inabutan ko pang 50 cents lang ang pasahe.

hay simple langng buhay nuon. o, childhood ko, nassan ka na!

26 ako katie!

.:Norman:.

5:50 PM

 
Blogger GeeDot said...

Hey, when did the nintendo game and watch come out? I also remember playing Famicom/Family Computer... playing Super Street Fighter on SNES until my thumb actually had blisters...watching Airwolf, Knight Rider (bakla ba si Kitt?)... Star Rangers, the template for Power Rangers...Along with Perfect Strangers, does anyone remember watching ALF (alien life form)? Back in 89, barkada anthem namin yung "Salamat" by the Dawn.

8:28 PM

 
Anonymous Anonymous said...

Remember Mr. Bogus at si Denver the last dinosaur? up down up down lf rt lf rt ba is 30 lives for Contra di ba? Masked Rider Black, Bioman, at saka Shaider favorites ko! Computer namin noon Intel 33 Mh SX with 16 kilobytes of memory tapos green pa yung screen. Ang 5.25 na floppy is 15 pesos. Pamasahe was 1 peso from Karuhatan, Valenzuela to Monumento/LRT. Nagumpisa ako mamasahe when I was in Grade 5. I'm twenty-one Katie.

5:32 PM

 
Anonymous Anonymous said...

haha that's funny. am 32.

5:54 AM

 
Anonymous Anonymous said...

*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bente singko lang ang dala?

- you can do this using two 25 cent coins with no time limit.
- "tamaan 3rd base", "jo-lens...". remember that game?!?

those were the days, everything was so cheap & fun.

I MISS SCRAMBLE!!! with brown cow

-adosk21

11:33 PM

 
Blogger fijhong said...

ewan ko nga ba kung may kababata ako d2?

lam mu ba ung larong taguang baka' na pag nakita ay hahabulin ka at tatayain pa;

gumagawa ka ba ng pagulong na ang gulong nya ay binilog na sirang tsenelas at ang hawakan nya ay mahabang kawayan.

pag tatambay ako noon nakasakay ako sa bao na ang hawakan ay laying ng saging;

nagsusugal ba kayo na ang gamit na pera ay balat ng kendi?

alam mu ba ung larong sikyo na pag nataya ka ay makawak kamay kayo ng kakampi mo nakapila dun sa base ng kalaban.

9:55 AM

 

Post a Comment

<< Home